Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang natatanggap na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay DOJ Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, kung mayroon mang arrest warrant, dalawang opsyon lamang ang maaaring sundin ng bansa sa ilalim ng RA 9851.
Ito ay ang extradition o pag-surrender.
Sabi pa nito na mas madali ang pagsuko kumpara sa extradition.
Mas marami pa kasi itong pagdadaanan gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA), DOJ para sa evaluation at kakailanganin pa ang paglilitis sa korte na posibleng umabot ng ilang buwan.
Sa ngayon, hinihintay pa ng DOJ ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa proseso kung ano ang kanilang gagamitin. | via Alegria Galimba, D8TV News
