DOJ, sinimulan na ang preliminary investigation sa reklamong plunder laban kina Estrada at Revilla

Isinagawa ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes, February 2, ang unang pagdinig sa preliminary investigation kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban kina Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.

Ayon sa DOJ, binigyan ang National Bureau of Investigation (NBI) hanggang February 12 para magsumite ng karagdagang ebidensya.

Pagkatapos nito, maaaring magsumite ng counter-affidavits ang mga inaakusahan.

Ang susunod na pagdinig ay itinakda rin sa February 12.

Hindi dumalo si Estrada sa pagdinig at kinatawan lamang ng kanyang abogado na tumangging magbigay ng pahayag sa media.

Samantala, humarap din ang dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, na nagsabing nauunawaan niya ang bigat ng akusasyon at kailangan pa niya itong pag-aralan, dahil seryoso ang kasong plunder.

Nilinaw ng DOJ na ang mga respondent na hindi pa nasasampahan ng kaso sa korte ay maaari pa ring bumiyahe sa ibang lugar, ngunit sila ay mahigpit na imo-monitor at maaaring isailalim sa immigration lookout bulletin order. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *