DOJ, may P1-M pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Cassandra Ong

Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na may alok silang P1 milyong pabuya para sa makapagtuturo ng eksaktong lokasyon ni Cassandra Li Ong.

Ayon kay DOJ acting Seretary Fredderick Vida, ang pagbibigay nila ng pabuya laban kay Ong ay dahil sa lalim ng kaalaman nito sa operasyon ng Lucky South 99, ang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Dagdag pa nito, nahihirapan silang tuntunin ang kinaroroonan ni Ong dahil sa kulang sila ng impormasyon.

Batay naman sa impormasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), huli nilang natunton si Ong sa Japan matapos itong makalabas mula sa pagkaka-detain nitong unang kwarter ng taon.

Ayon pa kay Vida, wala pang record ng departure ngunit hindi pa rin matukoy ang eksaktong lokasyon nito.

Sa ngayon, may nailabas nang red notice ang Interpol laban kay Ong. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *