Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na maghahain ng request ang ahensya ng blue notice sa Interpol laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Matatandaang ilang beses nang nadawit ang pangalan ni Co sa nasabing anomalya.
Ang blue notice ay para masubaybayan ang lokasyon at impormasyon ng isang person of interest sa isinasagawang imbestigasyon. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via Mico Clavano/Facebook
#D8TVNews #D8TV
