Nagbabala ang Department of Health (DOH) ngayong Semana Santa: ‘Wag niyong saktan ang sarili!
Ayon kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo, hindi kailangan ang pagpapapako o pagpalo sa sarili para lang magpenitensya. “Hindi kailangang sugatan ang katawan,” ani Domingo.
Pero kung di talaga maiwasan ang tradisyon, mag-ingat! Gumamit lang ng malinis at disinpektadong gamit, at hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at malinis na tubig.
“‘Yung mga sugat galing sa penitensya, ‘dirty wound’ yan — posibleng pasukin ng mikrobyo mula sa alikabok o sa ginamit na instrumento,” babala ni Domingo.
Iwasan na rin ang paniniwalang “lilinis ang sugat” kapag lumusong sa ilog o dagat. “Mas mainam ang sabon, tubig, at antiseptic gaya ng iodine,” dagdag niya.
Karaniwan nang ginagawa ito ng ilang debotong Pilipino para sa panalangin, kapatawaran, o kagalingan pero may mas ligtas na paraan para manalangin. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV