Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga ospital at doktor na dalhin ang mga bagong pasyente sa ibang pampublikong ospital dahil sa pagsikip ng emergency room ng UP-Philippine General Hospital (UP-PGH).
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, walang kakaibang dahilan sa biglang pagdami ng pasyente sa PGH at inaasahang bababa rin ito sa mga susunod na araw. Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa UP-PGH para sa posibleng paglilipat ng ilan sa ibang ospital tulad ng East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, at Jose R. Reyes Memorial Medical Center.
Para sa mga nangangailangan ng tulong maaaring tumawag sa DOH Metro Manila Center for Health Development sa 0956-1753710 o 0920-2511800 bago dalhin ang pasyente. | via Allan Ortega | Photo via PNA
D8TVNews #D8TV