Mariing tinututukan ng Department of Health (DOH) ang bagong variant ng COVID-19 na Nimbus o NB 1.8.1, kahit wala pang kaso na naitatala sa bansa, ayon sa DOH sa isang press briefing kahapon, June 19, 2025.
Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, wala pang nakukumpirmang ulat ng sakit, ngunit binabantayan pa rin nila ito dahil napapanahon pa rin ang “influenza-like illnesses.”
“Wala naman tayong increase pa rin dito. We are monitoring our COVID cases kasi nga season natin ng influenza-like illnesses, and COVID is one of those influenza-like illnesses,” saad ni Herbosa.
Dagdag pa rito, sinigurado rin ng DOH na epektibo pa rin ang naunang batch ng COVID-19 noong pandemya.
“It seems ‘yung vaccines na ibinigay before are still effective on them. So if you were vaccinated during the previous COVID pandemic, you are still protected,” ani Herbosa. Ι via Florence Alfonso | Photo Screengrab from RTVM
#D8TVNews #D8TV
