Kumalat ang balita na na-coma ang Mexican actor na si Manuel Masalva matapos magkasakit sa isang agresibong bacterial infection—at huling biyahe niya? Pilipinas! Kaya ang Department of Health (DOH), kumilos agad at tinanong ang United Arab Emirates (UAE) at Mexico kung meron ba silang info tungkol sa kaso. Ayon kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo, wala pang sagot galing sa dalawang bansa. Wala ring babala galing sa kanila, kaya baka hindi naman daw ito nakakahawa o delikado.
Ayon sa ulat, si Masalva ay nasa critical pero stable na kondisyon sa isang ospital sa Dubai. Dumating siya sa Dubai noong March 18, at pagkatapos ng ilang araw ng pananakit ng tiyan, sumailalim sa emergency surgery noong March 26. Kinabukasan, lumala pa ang sitwasyon—lumipat ang bacteria sa baga, kaya agad siyang inilagay sa medically induced coma.
Bago pa ito, nag-post pa siya sa IG, makikitang nag-e-enjoy sa mga beach ng Palawan noong February at March!
Pero huwag daw mag-panic, sabi ni Asec. Domingo. Ang coma ay parte ng paggamot, hindi dapat katakutan. Posibleng may dating karamdaman na si Masalva o ibang bansa niya nakuha ang bacteria.
Payo ng DOH: Iwasang kumain ng hilaw na seafood at huwag maligo sa dagat kung may sugat! | via Allan Ortega | Photo via assistance.ph
#D8TVNews #D8TV