Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga sakit na dulot ng matinding init, matapos ipahayag ng PAGASA na aabot sa 46°C ang heat index sa Metro Manila sa Marso 3-4. “Danger” heat index rin ang inaasahan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, at Olongapo City.
Ang temperaturang 33-41°C ay “extreme caution,” habang 42-51°C ay “danger,” na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Payo ng DOH:
✅ Manatili sa malamig na lugar
✅ Uminom ng maraming tubig
✅ Iwasan ang araw mula 10 AM – 4 PM
✅ Gumamit ng payong, sumbrero, at sunblock
Kapag may sintomas ng heat stroke agad dalhin sa ospital. – via Allan Ortega | Photo via reddit.com
DOH, nagpaalala sa publiko sa epekto ng matinding init
