‼️Mapanganib ang abo mula sa bulkan!‼️
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa panganib ng volcanic ash sa kalusugan. Ayon sa DOH, ang abo mula sa pagsabog ng bulkan ay may napakapinong particles na maaaring makapasok sa baga at magdulot ng problema sa paghinga, lalo na sa mga may hika, bata, at matatanda.
Ilang barangay malapit sa Bulkang Kanlaon ang iniulat nang naapektuhan ng ashfall, batay sa ulat ng DOST-PHIVOLCS.
⚠️ Mga paalala ng DOH:
Magsuot ng face mask o basang panyo sa ilong at bibig
Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan
Isara ang mga bintana at pintuan upang hindi makapasok ang abo
Hugasan ang mga mata at balat kung mairita dahil sa abo
Para sa karagdagang impormasyon at updates, manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng DOST-PHIVOLCS:
🔗 https://www.facebook.com/share/1DUobdPPec/?mibextid=wwXIfr
📞 Makipag-ugnayan sa DOH kung kinakailangan ng agarang atensyong medikal. Naka-alerto ang aming emergency health response teams para tumugon sa inyong mga pangangailangan.
DOH #BawatBuhayMahalaga #BagongPilipinas #KanlaonVolcano #D8TVNews #D8TV
