Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes para sa mga residente malapit sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon: “Ingat sa ashfall, delikado sa kalusugan!”
Sa abiso ng DOH, pinaalalahanan ang publiko na huwag lalapit sa loob ng 4-kilometrong permanent danger zone at iwasan ang maliliit na abo ng bulkan.
Payo ng DOH magsuot ng face mask, goggles, long-sleeves, at pantalon. Maghanda ng “Go Bag” na may tubig, pagkain, damit, gamot, at first aid kit sakaling kailanganing lumikas. Para sa tulong medical maaaring tumawag sa National DOH Hotline 1555 (press 2), (052) 742-5555 local 5017, o 0916-234-9063.
Palaging abangan ang mga bagong update ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) para sa opisyal na impormasyon. | via Lorencris Siarez | Photo via Sorsogon Provincial Information Office
#D8TVNews #D8TV