DOH, kampanya kontra yosi at vape ipinarating sa mga eskwelahan

Pinaigting ng Department of Health (DOH) ang kampanya kontra paninigarilyo at paggamit ng vape sa mga kabataan.


Sa pagpapatuloy ng pagbuo ng anti-vape councils sa mga paaralan, ang mga estudyante ng Gen. Tiburcio de Leon National High School sa Valenzuela City ang pinakahuling nanguna sa pagsulong ng adbokasiyang ito.


Binigyang-diin ng DOH na mahalaga ang boses ng kabataan ang nangunguna sa laban, lalo na sa gitna ng pagdami ng gumagamit ng vape.

Sa kanilang programa, diretsong panawagan ng mga estudyante huwag magpapaloko sa vape at sigarilyo at piliing manatiling malusog. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *