DOH, handa para sa “The Big One”

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan sa tinaguriang “The Big One,” ang mga ospital sa Metro Manila naghahanda na rin sakaling tumama ang malaking lindol.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, may earthquake contingency plan ang DOH kung saan hinati sa apat na quadrant, North, East, West, at South, ang buong Metro Manila.

Bawat bahagi ay may nakatalagang ospital na magsisilbing command center sa oras ng kalamidad.

Siniguro ni Herbosa na pasado sa hospital safety index ang mga DOH hospital at sumailalim na sa retrofitting ang mga lumang gusali para matiyak ang tibay ng istruktura.

May mga nakahandang backup power systems, evacuation areas, at medical supplies din sa bawat ospital, habang regular na nagsasanay ang mga health workers sa emergency response.

Kabilang sa mga pangunahing ospital sa listahan ay ang East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at Research Institute for Tropical Medicine.


Dagdag pa ng DOH, nakikipag-ugnayan din ang NCR hospitals sa Region 3 at iba pang kalapit rehiyon para sa mabilis na tulong at logistical support kung sakaling tumama sa Metro Manila. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *