Nag-report na ang Department of Health (DOH) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Biyernes, October 17.
Ilan sa mga susunod na gagawing hakbang ng dalawang ahensiya ay una, itutuloy ng DOH ang case building sa mga Super Health Centers mula sa dating 297, umakyat na sa 300 ang kasama sa listahan.
Pangalawa, susuportahan ng ICI ang pagpapatuloy ng mga imbestigasyon na pangungunahan ng DOH.
Panghuli, i-aactivate ng DOH ang Citizens Participatory Audit, matapos makatanggap ng mga ulat mula sa publiko tungkol sa mga naka-tenggang proyekto simula nang isinapubliko ang imbestigasyon.
Layunin ng mga hakbang na ito na matiyak ang transparency at tuluyang matukoy kung saan napunta ang pondo para sa mga Super Health Centers. | via Allan Ortega
