Sinigurado ng Department of Migrant Workers (DMW) na magtutuloy-tuloy pa rin ang kanilang suporta para sa mga naging biktima ng pag-atake ng Houthis sa M/V Eternity C nitong nagdaang July 7.
Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsagawa ng virtual meetings at pagbisita sa bahay ng mga biktima ang ahensya upang kumustahin ang mga ito sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa pagbisita ng DMW, tiniyak nila na patuloy at buo pa rin ang suportang kanilang matatanggap mula sa ahensiya.
Dagdag pa rito, sinigurado rin ng DMW na hindi sila titigil sa paghahanap ng iba pang biktima hanggang sa muli silang magkasama ng kani-kanilang pamilya nila.
“We continue to account for the missing seafarers and shall sustain these personal assurances of whole-of-government support and assistance until they are reunited with their families,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
“Buo po ang pakikiisa namin sa mga seafarers at sa kanilang mga pamilya,” dagdag pa ng kalihim.
Samantala, malugod naman na nagpasalamat ang pamilya ng mga biktima.
Anila, ramdam nila na taos-puso ang pagtulong na isinasagawa ng gobyerno sa kanila.
“We are assured. We saw the sincerity and compassion of the government. Thank you for that—thank you for reaching out,” saad ng isang pamilya. | via Florence Alfonso | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV