Nagsasagawa na ng kinakailangang tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa 19 na overseas Filipino workers (OFWs) na inaresto sa Qatar dahil sa pagsasagawa ng hindi awtorisadong political demonstrations.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at karapatan ng mga nasabing OFWs. Pinaalalahanan din ng DMW ang lahat ng OFWs na igalang at sundin ang mga batas at regulasyon ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan, partikular na ang mga patakaran laban sa illegal assembly at political activities. Ang pagsuway sa mga batas na ito ay maaaring humantong sa pagkakaaresto at deportasyon.
Patuloy na minomonitor ng DMW ang sitwasyon at nagbibigay ng legal na suporta sa mga apektadong OFWs upang matiyak ang kanilang karapatan at kapakanan habang nasa kustodiya. | via Dann Miranda | Photo via Department of Migrant Workers FB Page
#D8TVNews #D8TV