Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagbibigay ng legal na tulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na inaresto sa Qatar dahil sa kanilang partisipasyon sa isang hindi awtorisadong pampulitikang pagtitipon. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, mandato ng DMW na suportahan ang mga OFW sa ganitong sitwasyon, kasabay ng paalala na sumunod sa mga batas ng bansang pinagtatrabahuhan.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office (MWO) sa Qatar sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kapakanan ng mga naarestong OFWs at magbigay ng kinakailangang legal na tulong.
Pinaalalahanan din ni Secretary Cacdac ang lahat ng OFWs na igalang at sundin ang mga batas at regulasyon ng kanilang host country upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | Benjie Dorango
#D8TVNews #D8TV