DMV magsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng OWWA

Inihahanda na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal na sangkot sa kuwestyunableng P1.4-bilyong land deal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac, isinagawa ang transaksiyon nang walang pahintulot ng OWWA Board at lumabag ito sa hindi bababa sa anim na probisyon ng charter ng ahensiya. Kabilang sa mga ito ang di-awtorisadong paggamit ng P2.6 bilyon mula sa pondo ng emergency repatriation, at ang madaliang pagpirma sa kasunduan sa kabila ng mga di-inaalam na lease agreement at kahina-hinalang pamamahala ng pondo.

Tinanggal sa posisyon si dating OWWA Administrator Arnell Ignacio dahil sa “kawalan ng tiwala at kumpiyansa” bunsod ng seryosong mga paglabag sa proseso. Ang pondo ay nakalaan sana para sa pagtatayo ng isang “halfway house” para sa mga repatriated OFWs, ngunit sinabi ni Cacdac na ito’y hindi kailangan at hindi praktikal. Sa isang flag ceremony, muling iginiit ni Cacdac ang paninindigan ng ahensiya para sa malinis at tapat na pamamahala, at pinuri si Pangulong Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga reporma. | via Dann Miranda | Photo via Wikipedia

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *