Habang hinaharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamalaking hamon sa kanyang administrasyon, ipinahayag ni Public Works Secretary Vince Dizon nitong Martes na naniniwala siyang ganap na nakatuon ang lahat ng miyembro ng Gabinete sa layunin ng Pangulo na ibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Ani Dizon, “Naniniwala ako na nasa likod ng Pangulo ang lahat ng miyembro ng Cabinet. Sa kasaysayan ng bansa, bihira na ang Pangulo mismo ang naglantad ng pinakamalaking iskandalo ng katiwalian.”
Bilang tagapagpatupad ng reporma sa DPWH na kilala sa korapsyon, sinabi ni Dizon na ang kanyang lakas at kumpiyansa ay nagmumula sa kanyang tiwala sa sinseridad at pamumuno ng Pangulo.
Dagdag pa niya, “Suportado ko ng 100 porsiyento ang Pangulo. Kumpiyansa ako na tatapusin niya ang kanyang sinimulan, haharapin ang imbestigasyon sa iskandalo, pananagutin ang may sala, at ipatutupad ang reporma.” | via Allan Ortega
