Diskriminasyon sa pamamahagi ng ayuda, ikinadismaya ni Sen. Erwin Tulfo

Ikinagalit si Senator Erwin Tulfo ang mga ulat ng umano’y diskriminasyon sa pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Cebu.

Ayon kay Tulfo, nakakagalit at nakakahiya ang balitang may ilang barangay personnel na nagkamali o sinadyang baguhin ang DSWD forms ng mga nasalanta, kung saan ilan ay tinaguriang “partially damaged” kahit lubos na winasak ng baha ang kanilang mga bahay.

Dagdag pa ng senador, hindi ito ang unang beses na may maling pagtrato at pamimili ng mga dapat makatanggap ng tulong, kaya’t dapat umanong managot ang mga sangkot.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Tulfo ang DSWD na tiyaking pantay-pantay ang pamamahagi ng ayuda at walang pinipili mahirap man o may kaya, basta kwalipikado, dapat makatanggap ng tulong. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *