Isang malaking kapalpakan ang natagpuan mismo sa proyekto ni First Lady Liza Marcos sa Intramuros.
Ibinunyag ng Malakanyang na maging ang Philippine Film Heritage Building ay nabiktima ng kumpanya ng mga Discaya, ang Great Pacific Builders and General Contractor, Inc.



Pinondohan ng higit P107 milyon, dapat sana’y natapos noong Setyembre 4, pero lumabas na sablay ang kalidad ng paggawa. Kabilang sa mga depekto ang walang alulod na bubong, tagas sa mga kubeta at bubong, baradong drainage, nakalitaw na tubo, sementadong sahig na walang tiles, at hindi pulidong elevator.
Labis na nadismaya si First Lady Liza Marcos at iniutos agad ang imbestigasyon. Personal pa niyang ininspeksyon ang gusali pero tumangging magbigay ng pahayag. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PPA
#D8TVNews #D8TV