Discaya, ibinunyag mga sangkot sa katiwalian

Ibinunyag ng mga contractor at mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya ang mga politiko at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inihayag ng mga Discaya ang kanilang pagpayag na maging state witness sa imbestigasyon kasunod nito ay isa-isa na nilang pinangalanan ang ilang mga politiko, mga tauhan nito at opisyal ng DPWH na nakikinabang sa umano’y katiwalian.

Ayon kay Curlee, ang mga kinatawan ng ilang politiko ang lumalapit lumapit sa kanila para humingi ng kickback mula sa mga pondo ng proyekto.

Dagdag pa niya, ang mga kickback na ito na karaniwang umaabot sa 25 percent.

Kabilang din sa kanyang nabanggit sina Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon pa kay Discaya, pilit nilang ginawa nang tapat ang kanilang trabaho na alinsunod sa kontrata sa DPWH sa kabila ng malaking kabawasan sa pondong nakalaan para sa mga proyekto.

Itinanggi rin ng mga ito na gumawa sila ng ghost projects at iniinspeksyon nila ang mga proyektong natapos na.

Samantala, tiniyak naman ng mga Discaya na handa silang isiwalat ang lahat ng mga katiwalian ng ilang mambabatas, DPWH at ilan pang kawani ng gobyerno.

Humingi naman ang mag-asawa sa Senado at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng proteksyon para sa kanilang pamilya. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *