Diokno: Dapat magkaroon ang bansa ng independent forensic facility

Hinimok ni Akbayan Representative Atty. Chel Diokno ang pamahalaan na magtayo ng isang independent forensic facility kaugnay sa tanong ukol sa koneksyon ng online gambling at mga missing sabungero.


Aniya, mas makasisiguro ang publiko at mga awtoridad sa mga resultang inilalabas mula sa isinasagawang imbestigasyon ay base sa siyensya.


“I think it’s about na maging mas scientific ang ating approach sa pag-iimbestiga sa mga kaso,” ani Diokno sa isang press briefing nitong Miyerkules, July 16.


“Isa sa mga sinusulong ko kahit noon pa bilang isang human rights defender ay magkaroon tayo ng independent forensic laboratories— na wala sa chain of command ng PNP, na andiyan ang mga taga-academe para sure tayo na kung maglalabas sila ng findings at conclusion, we can be sure that they are based on science,” dagdag pa niya.


Aniya, maaaring mabago ang mga sinasabi ng isang testigo kung doon lang magbabase ang nasa prosekusyon.


“Ang hindi pwedeng baguhin ay ‘yung scientific facts based on the proper investigation,” saad pa ng kinatawan. | via Florence Alfonso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *