Natagpuan na ng mga awtoridad ang 14-anyos na lalaking estudyanteng Tsino na dinukot, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Pebrero 26.
Ayon sa PNP, iniwan ang bata sa Macapagal Avenue, Parañaque City noong gabi ng Pebrero 25, kung saan siya agad na nasagip at muling nakapiling ang kanyang ama. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital para sa medical examination.
Ang PNP Anti-Kidnapping Group, kasama ang Armed Forces of the Philippines at National Capital Region Police Office, ang nanguna sa pagsagip. Wala umanong ransom na ibinayad, na nagpapakita ng matibay na paninindigan ng PNP laban sa pangingikil at kriminalidad.
Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso upang matukoy ang mga nasa likod ng pagdukot. Sinabi ni PNP Chief Rommel Marbil na patuloy nilang poprotektahan ang publiko at hindi papayagan ang anumang banta ng kriminalidad sa mga komunidad. – via Allan Ortega
Dinukot na Chinese student walang ransom na binayaran ayon sa PNP
