DILG Sec. Remulla, dinalaw ang mga sugatang pulis

Personal na dinalaw ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla ang mga sugatang pulis sa PNP General Hospital.

Silang mga pulis na sugatan sa gitna ng tensiyon sa nagdaang “Trillion Peso March,” kung saan humarap sa pambabato ng ilang raliyista.

Kasama ni Secretary Remulla si PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., at parehong nakatanggap ng briefing mula sa mga doktor hinggil sa kondisyon at paggaling ng mga sugatang pulis.

Binigyang-diin ng pamahalaan ang sakripisyo ng mga alagad ng batas na sikaping itaguyod ang kapayapaan. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PNP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *