DILG, magtitipid sa operasyon

Magpapatupad ng cost-cutting measures ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga tanggapan, attached agencies, at local government units upang makatipid sa operasyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na magtipid sa enerhiya.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, may pangkalahatang utos na sa kanilang mga opisina upang bawasan ang mga hindi kailangang gastusin.

Kabilang dito ang pagbabawas ng gastusin sa seminar at pagrenta ng hotel venues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *