DILG, itinaas sa ₱20-M ang pabuya laban kay Atong Ang

Itinaas na sa ₱20 million ang pabuya sa makakapagbigay impormasyon sa kinaroroonan o ikadadakip ng gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Interior Sec. Jonvic Remulla, malaking tulong ang halaga para mas mapabilis na madakip ang puganteng negosyante na itinuturong mastermind sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero.

Bukod pa rito, gagamit na rin ang mga operatiba ng lidar drone, isang unmanned aerial vehicle na may light detection at ranging sensors, na magagamit sa mga bulubundukin at mapupunong lugar na maaaring pagtaguan ni Ang.

Naniniwala rin ang kalihim na nananatili pa rin sa bansa ang negosyante matapos na magpahayag ang pamahalaan ng Cambodia na wala sa kanilang hurisdiksyon ito.

Matatandaan na nagsagawa ng labing apat na operasyon ang iba’t ibang operatiba sa mga ari-arian ni Ang, pero bigo silang madakip ito.

May mga warrant of arrest si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at illegal detention na may kinalaman sa mga nawawalang sabungero. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *