DILG chief, pinabulaanang ‘overkill’ ang seguridad sa Trillion Peso March

Itinanggi ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang alegasyong ‘overkill’ sa seguridad ang idinaos na Trillion Peso March, higit lalo sa Mendiola.

Ayon kay Remulla, walang overreaction, ang mayroon lamang ay under reaction.

Giit niya, overreaction kung nagkakasakitan na.

Aniya, ang paglalagay ng maraming tauhan ay bahagi lamang ng layuning tiyaking maayos at ligtas ang lahat.

Samantala, pinabulaanan naman ng kalihim na nainsulto sa panawagan ng mga nagpoprotestang magbitiw siya at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto.

Bagama’t hindi siya sang-ayon dito, wala umano siyang ego na pinoprotektahan at kaya niyang tanggapin ito dahil ang lahat umano ay may karapatang marinig. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *