DILG, alam umano kung saan nagtatago si Sen. Bato dela Rosa

Ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na batid na nila kung saan nagtatago si Sen. Bato dela Rosa.

Ayon kay Remulla, matagal na nilang mino-monitor ang galaw ng senador at hinihintay na lamang nila ang paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court laban sa kanya.

Aniya, ilang beses nagpapalipat-lipat ng lokasyon si Dela Rosa sa pamamagitan ng iba’t ibang sasakyan sa tulong ng mga kaibigan nito.

Nitong nakaraang linggo, namataan umano si Bato sa anim na lugar.

Tinanggi naming sabihin ni Remulla ang kasalukuyang lokasyon ng senador ngayon.

Nilinaw niya ring hindi maituturing na pugante ngayon si Dela Rosa dahil wala pa namang kumpirmadong arrest warrant ito mula sa ICC. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *