Dike sa La Union, ginamitan ng pekeng tubo —  DPWH Chief Dizon

Ginamitan umano ng pekeng tubo ang isang flood control project sa Brgy. Calumbaya sa Bauang, La Union, ayon mismo kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Martes, September 16, 2025.

Personal na ininspeksyon ni Secretary Vince Dizon kasama si Independent Commission for infrastructure (ICI) Special Adviser Benjamin Magalong ang nasabing flood control project.

Ayon kay Secretary Dizon, base sa inisyal na usapan sa Engineers, magsisilbng outlet ang mga tubo sakaling mag-baha. Sa kanilang pagi-inspeksyon, nakita mismo ni Dizon at Magalong na peke at parang tinapal lang ang mga nasabing tubo.

Isiniwalat naman ni Dizon na ang contractor sa kanilang record ay ang Silverwolves Construction at nagkakahalagang P180 million.

Ayon naman sa report ay “completed” na ang proyekto noong pang Marso.

Samantala, sinabi ni Dizon na hinahanda na ang pangalawang batch ng mga kasong iimbestigahan sa mga substandard flood control projects. | via Martina Torres, D8TV News | Photo via DPWH/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *