Digitalization ng SALN, inirekomenda ng Office of the Ombudsman

Simula ngayong taon, sisimulan na ng Office of the Ombudsman ang pag-digitize ng mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno upang matiyak ang pangmatagalang access ng publiko at mas mabantayan ang yaman ng mga opisyal.

Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na parehong ang mga lumang SALN at ang mga isusumiteng bago ay i-scan at i-a-upload sa sistema ng Ombudsman alinsunod sa Memorandum Circular No. 3, series of 2025 na nilagdaan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong nakaraang buwan.

Paliwanag ni Clavano, mananatiling nakatago ang mga hard copy sa loob ng 20 taon, ngunit ang digital na bersyon ay mapapanatiling bukas magpakailanman.

Sa ganitong paraan, magiging madali ang paghahambing ng mga deklaradong ari-arian ng mga opisyal sa paglipas ng mga taon. | via Andres Bonifacio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *