DFA, makikipagpulong sa Iran para tiyakin ang ligtas na pagdaan ng suplay ng langis

Makikipagpulong ang Dept. of Foreign Affairs (DFA), sa mga opisyal ng Iran para talakayin aang ligtas na pagdaan ng mga barkong patungong Pilipinas sa Strait of Hormuz, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire Castro, na ipinag-utos na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na makipag-ugnayan sa Iran kasunod ng pulong ng UPLIFT Committee sa Malacañang.

Ayon kay Castro, posibleng makipagpulong si Lazaro sa ambassador ng Iran sa lalong madaling panahon.

Isinasagawa ang hakbang na ito habang sinisikap ng pamahalaan na matiyak ang karagdagang suplay ng langis matapos higpitan ng Iran ang ilang bahagi ng Strait of Hormuz.

Bagamat may mga dumarating nang karagdagang shipment ng krudo at refined oil sa bansa, sumirit na sa halos P200 kada litro ang presyo ng diesel, habang papalapit naman sa P100 kada litro ang gasolina at kerosene.

Nauna nang nakipag-usap sa telepono si Japanese Prime Minister Takaichi Sanae kay Marcos Jr., bilang bahagi ng panawagan ng international community sa Iran na luwagan ang restriksyon sa nasabing shipping lane. | via Judea Bernardo,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *