Destabilization talks, hindi makabubuti sa ekonomiya – Gatchalian

Naalarma Sen. Sherwin Gatchalian sa patuloy na destabilization talks na umano’y nagdudulot ng kalituhan sa ekonomiya.

Ayon kay Gatchalian, patunay ito na umano ang pagbagsak ng stock market at pagbaba ng Foreign Direct Investment o FDI.

Aniya, ang simpleng pag-uusap hinggil sa destabilization ay hindi makabubuti gayong mas mahina ang piso sa dolyar.

Giit niya ang mga negatibong pahayag ay nakakaapekto sa kumpiyansa ng mga investor. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *