Ninanais ni International Boxing Federation mini-flyweight champion Pedro Taduran na patulugin ulit si Ginjiro Shigeoka sa kanilang rematch para sa kampeonato. Nakuha ni Taduran ang kampeonato noong gulatin niya ang noong hindi pa natatalo na si Shigeoka sa 9th round sa pamamaraan ng TKO.
Ayon naman sa coach ni Taduran na si Carl Penalosa Jr., nakakatakot kung papaabutin ng kalaban nila ang laban hanggang 12th round kaya’t umaasa silang mapabagsak ni Taduran ang kalaban ng mas maaga. Mayroong 17-4-1 win-loss draw record si Taduran.
Matapos maibasura ang planong title defense ni Taduran laban kay Zhu DianXing ng China sa South Korea noong November, nabigyan daan ang rematch nila ni Shigeoka na may kasalukuyang win-loss record na 11-1. Lilipad naman ang kampo ni Taduran papunta sa Japan sa May 18. | via Dee Miranda | Photo via PSA
#D8TVNews #D8TV