Mariing itinanggi ng Department of Education (DepEd) ngayong Miyerkules ang usap-usapang may “auto-pass” o awtomatikong pagpasa sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.
Ayon kay bagong DepEd Secretary Sonny Angara, “Wala pong policy ang DepEd na automatic na pagpasa sa mga estudyante.” Pero aminado siya na tila naging “tahimik na kalakaran” na ang mass promotion sa ilang lugar, at oras na raw para baguhin ito.
Nilinaw ni Angara na may mga sistema, tulad ng mga insentibo at pressure sa mga guro, na nagtutulak sa ganitong gawi. Aniya, dapat ang promosyon ay base sa tunay na natutunan, hindi lang basta napalampas.
Inamin din ng DepEd na may mga lumang policy na tila pumipilit sa mga paaralan at guro na ipasa ang mga bata, kahit kulang sa kaalaman. Kaya’t kasalukuyan na raw nilang nire-review ang mga patakaran sa assessment, remedial, at promotion.
Iba na ang panahon — hindi na pwede ang “basta makaraos lang”! Real learning, real promotion, saad ni Angara! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV