DepEd todo-reporma matapos bumagsak sa global education readiness index

Bumagsak ang Pilipinas sa ika-74 sa 177 bansa sa Global Education Futures Readiness Index (GEFRI) 2025, na may score na 56.32 pang-lima sa pinakamababa sa Southeast Asia. Sinukat dito ang kahandaan ng mga bansa sa hinaharap sa larangan ng edukasyon gaya ng imprastraktura, inobasyon, at pantay na akses.

Ayon sa GEFRI, halos katumbas ng global average ang performance ng Pilipinas, pero kailangan pa ng malawakang pagbabago para makaabot sa pangmatagalang tagumpay.

Nagpatupad ang Department of Education (DepEd) ng mga reporma gamit ang AI, kabilang ang Sigla (app para sa monitoring ng student growth), Talino (mapping tool para sa private sector engagement), Dunong (dashboard para sa leadership planning), SALIKSeek (chatbot para sa data access) at Sabay at Ligtas (tools para sa cognitive screening at geohazard tracking).

Project Bukas open-data initiative para mas mapabuti ang monitoring ng enrollment, resources, at outcomes sa paaralan.

Bagamat may panawagang buwagin ang K-12, nire-restructure ng DepEd ang senior high school curriculum upang isama ang Tech-Voc training. Pwede na ring mag-apply sa entry-level government jobs ang SHS raduates.

Pinapalakas din ang internet connectivity sa mga liblib na paaralan sa pamamagitan ng PSIP Connect (devices, solar, satellite internet) at Bayanihan SIM Program.

Ayon kay Sec. Sonny Angara “Hindi madali ang reporma, pero kailangan ito para sa mas moderno at kapaki-pakinabang na sistema ng edukasyon.” | via Allan Ortega | Photo via depedtambayan.org

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *