Matagumpay na nabawi ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa mga pribadong paaralang sangkot sa umano’y anomalya sa Senior High School (SHS) Voucher Program, ayon kay Education Secretary Sonny Angara.
Sa 54 eskwelahang tinanggal sa programa, 38 ang nag-refund nang buo, habang 2 pa lang ang nagbalik ng bahagi ng pera. May 14 pang hindi sumusunod. Final demand letters ang ipapadala, at posibleng kasuhan ang mga hindi magbabayad.
Dahil sa mas mahigpit na validation, walang refund ngayong SY 2023-2024. Patuloy ding iniimbestigahan ang 12 eskwelahan, habang tatlo na ang inendorso sa NBI.
Kasama sa mga bagong hakbang ng DepEd ang full system audit, mas matinding inspeksyon, at mas istriktong proseso sa pagbabayad para maiwasan ang panloloko. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV