Nagpasalamat si Education Secretary Sonny Angara sa mga guro, school staff, at poll watchers na naging susi sa maayos at ligtas na halalan nitong 2025. Ayon kay Angara, hindi lang sila simpleng empleyado — frontliners daw sila ng demokrasya!
“Saludo kami sa inyo! Kayo ang tunay na ka-team sa Bagong Pilipinas!” ani Angara.
Mahigit 660,000 DepEd personnel ang tumulong sa eleksyon, bahagi ng 758,549 poll workers na na-deploy sa buong bansa.
Sa kabila ng tagumpay, 603 election issues ang naitala ng DepEd Task Force, tulad ng sira-sirang counting machines, problema sa balota, at voters’ list. Pinakamaraming reklamo mula Metro Manila at BARMM.
Agad naman daw naresolba ang mga isyu sa tulong ng Comelec at iba pang ahensya. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Robinson Niñal Jr.
#D8TVNews #D8TV