Magkakaroon ng 7,062 bagong administrative personnel ang Department of Education (DepEd) upang tulungan ang mga guro sa clerical tasks at iba pang non-teaching duties. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ito ay para mas mapagtuunan ng mga guro ang kanilang pangunahing tungkulin—ang pagtuturo.
Ang mga aplikante ay kailangang may senior high school diploma at basic administrative skills, ngunit hindi kinakailangan ng work experience o training. Samantala, kailangang makamit ng mga incumbent staff ang performance expectations para sa kanilang renewal.
Ang sahod ng bagong hire ay nakabase sa regional minimum wage at may kasama pang 12.5% premium. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 002 at 005, na layuning alisin ang non-teaching tasks sa mga guro at gawing patas ang workload. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
DepEd magha-hire ng 7,000 admin staff para maibsan ang trabaho ng mga guro
