DepEd: 30-day flexible vacation ng mga guro itinakda mula April 16 hanggang June 1

Masayang balita para sa mga public school teachers! Ayon sa Department of Education (DepEd), may 30-day flexible at uninterrupted na bakasyon ang mga guro mula April 16 hanggang June 1, base sa Department Order No. 9, series of 2025.
Pwedeng diretso o paisa-isa ang pagkuha ng bakasyon, depende sa gusto ng guro. Wala ring PMES at hindi na kailangan ng pisikal na pagpapasa ng IPCRF โ€” online na lang ito isusumite bago matapos ang school year 2025-2026.
Sabi ni Education Secretary Sonny Angara, ito ay para ma-motivate muli ang mga guro sa bagong school year. โ€œPanahon na para magpahinga kasama ang pamilya,โ€ ani Angara.
Dagdag pa rito, may bonus pa: kung sasali ang mga guro sa training o summer programs na labas sa 30-day break, may extra vacation service credits (VSC) sila!
Kasama rin sa patakaran ang mga nagtuturo sa ALS at ALIVE programs. Para naman sa mga estudyanteng may summer classes, sa ibang petsa ang bakasyon. | via Lorencris Siarez | Photo via DepEd

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *