Malapit nang umarangkada ang isang high-quality transportation system sa Davao City sa inaasahang pagbubukas ng Davao Public Transport Modernization Project sa darating na 2027.



Ang nasabing proyekto ay kilala rin bilang DavaoBus Project, na ininspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon upang personal na masilayan ang pagkukumpuni nito.
“The President is really disappointed with the delays, kaya he instructed us to fast track this project. We need to stop making excuses and start solving problems, kasi game changer itong project na ito and it will be a model system for the entire country,” ani Dizon.
Sa pagsisimula ng proyekto, tatahakin nito ang rutang Catalunan Pequeño-Ulas-Bangkal-Matina-Bankerohan-Quirino-Bajada-Lanang-Buhangin-Sasa.
Dagdag pa rito, upang matiyak ang pinakamataas na lebel ng kaligtasan sa kalsada, magkakaroon din ng DavaoBus Driving Academy, upang tiyakin ang kapakanan ng mga komyuter.
“Tapos na ‘yung mga panahong atras-abante lang ang training ng mga driver natin. Kabilin-bilinan ng Pangulo, dapat lahat ng magmamaneho ng mga bus dito sa DavaoBus ay may sapat na training para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero, pati na mga motorista sa kalsada,” paliwanag ng kalihim. | via Florence Alfonso, D8TV News Intern
#D8TVNews #D8TV