
Umangal ang isang dating heneral ng Philippine National Police (PNP) sa akusasyon na hindi lahat ng namatay sa war on drugs noong nakaraang administrasyon ay naire-report nang tama.
Masama ang loob ni Retired General Rhodel Sermonia, na nagsilbi noon sa PNP bilang Deputy Chief for Administration. Para sa kanya, imbento ang kuwento na 95% ng tinatawag na “wrongful death” ay hindi naireport sa pulisya o hindi ginawan ng ulat ng mga pulis.
“It is a big insult to us. Ako, ginawa ko ang trabaho ko. Sobrang daming nagsurrender at binigyan namin sila ng bagong buhay. Kaya nga ‘yung mga pinuntahan natin ay naging drug-cleared,” dagdag pa ni Sermonia.
Pero nirerespeto ng dating heneral kung anuman ang opinyon ng kasalukuyang administrasyon. At kung bibigyan nga raw siya ng pagkakataong muling magsilbi sa bayan, nais niyang maging drug czar. Pero bukod sa kamay na bakal, whole-of-government approach ang dapat na pairalin sa bansa.
“Importante ang Tesda, importante ang DSWD, DOH, education napaka importante, ang ating DILG at law enforcement agency dapat magsama-sama. Hindi pwede yung kanya-kanya.” Sabi ba ng Sermonia
At sakali man daw na palarin sa kanyang United Frontliners Party-list, gagawin nya pa rin ito sa tulong ng PDEA.
Isa ang probinsya ng Bataan kung saan sya naging hepe sa mga naunang naging drug cleared dahil sa pagsisikap ng PNP. | Benjie Dorango |