Dating Miss Universe judge, ibinunyag ang umano’y manipulasyon sa resulta ng Miss Universe 2025

Ilang oras lamang matapos ang crowning ceremony ng Miss Universe 2025, nagdulot ng kontrobersya ang dating pageant judge na si Omar Harfouch matapos maglabas ng matapang na Instagram post, kung saan inaakusahan niya ang mga ehekutibo ng pageant na nakaimpluwensya sa mga resulta ng kompetisyon.

Mabilis na kumalat ang update ni Harfouch online, kasabay ng patuloy na reaksyon ng publiko sa final rankings at scoring mula swimsuit, long gown, at Q&A rounds.

Bago ang post na ito, nagbitiw si Harfouch ngayong Linggo mula sa walong miyembro na judging panel. Ayon sa kanya, mayroong “impromptu jury” na umano’y naunang pumili ng mga finalist bago pa ang live competition sa Thailand.

Inanunsyo niya ang kanyang pagbitiw sa pamamagitan ng isang Instagram statement at tinalayak din ang isyu sa nasabing interbyu.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Miss Universe Organization laban sa mga alegasyon na ito.

Samantala, inaasahan na magkakaroon ng karagdagang ulat tungkol sa isyu habang patuloy namang umaani ng samu’t saring reaksyon ang nasabing post ni Harfouch sa social media. | via Anne Jabrica, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *