Dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, natatakot bumalik sa bansa dahil sa mga banta sa kanyang buhay —legal counsel

Nilinaw ng legal counsel ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na hindi tumatakas ang kanyang kliyente sa mga akusasyon laban sa kanya kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Atty. Ruy Rondain, natatakot si Co na bumalik ng bansa dahil sa mga banta sa buhay na kanyang natatanggap.

Dagdag pa niya, willing bumalik ng bansa ang dating kongresista kapag humupa na ang mga pagbabanta sa kanya.

Miski siya ay hindi rin daw niya alam kung saan naroroon ang kanyang kliyente.

Medical reason umano kaya umalis si Co ng bansa noon pang Pebrero.

Bilang abogado ni Co, hindi rin daw niya inirerekomenda ang pag-uwi nito ng bansa.

Sinabi pa niya na hindi sila magsusumite ng counter affidavit dahil “prejudged” ang mga alegasyon laban kay Co.

Samantala, pinabulaanan din ng abogado na mayroong air assets ang dating kongresista.

Ito ang kauna-unahang pagsasalita ng panig ni Co kaugnay sa pag-uugnay sa kanya sa isyu ng maanomalyang flood control projects sa bansa. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *