DAR, kinansela ang mahigit P500-K na hindi nabayarang amortisasyon para sa 220 magsasaka sa Cebu

Masayang ibinalita ng Department of Agrarian Reform (DAR) na may 220 magsasaka sa lalawigan ng Cebu ang pinalaya sa utang na aabot sa ₱502,468 sa ilalim ng condonation program!

Sakop ng programa ang 170.382 ektarya ng lupaing agrikultural sa mga bayan ng Pinamungajan (157 ARBs), Toledo City (52 ARBs), at Aloguinsan (11 ARBs). Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, ito ay hindi lang usaping lupa kundi pagbibigay ng bagong pag-asa sa mga magsasaka.

“Layunin nating palayain sila sa dekada-dekadang pagkakautang,” giit ni Estrella.
Isa sa mga natuwang magsasaka si Bienvenido Tango-an ng Pinamungajan: “Malipay gyud ko. Sa wakas, dili na mi mobayad sa Land Bank!”

Ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act 11953 o New Agrarian Emancipation Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2023. Target ng batas na ito ang pagbura ng mahigit ₱57 bilyon na utang mula sa amortization ng mahigit 600,000 ARBs sa buong bansa.

Ngayong wala nang iniintinding utang, mas may tsansa na ang mga magsasaka ng Cebu na mag-invest sa kanilang kabuhayan, pataasin ang ani, at pagandahin ang buhay ng kanilang pamilya! | via Lorencris Siarez | Photo via DAR

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *