Dalawang sistema ng panahon ang magdadala ng ulan sa Luzon

Dalawang weather system ang magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Ang southwesterly windflow ang may pakana ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog sa Ilocos, Cordillera, at Central Luzon. Samantala, ang Cagayan Valley ay maaapektuhan ng frontal system, na magdadala rin ng thunderstorms. Babala ng PAGASA mag-ingat sa posibleng flash floods at landslide.

May posibilidad din ng isolated rain showers sa Metro Manila, Calabarzon, at Mimaropa, habang ang ibang bahagi ng bansa ay uulanin din dahil sa localized thunderstorms. Wala namang namo-monitor na bagyo o LPA.

Samantalang mataas pa rin ang heat index sa Infanta, Quezon posibleng umabot sa 46°C, habang 43°C sa Tuguegarao, Baler, Dipolog, at Surigao City at 42°C naman sa Aparri, Isabela, Aurora, Nueva Ecija, Quezon, Iloilo, at Butuan.

Palaging tandaan na kapag ang heat index ay nasa 42°C–51°C, delikado na! May banta ito ng heat cramps, exhaustion, o heat stroke lalo kung matagal nakababad sa matinding init ng araw. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *