Magpapatupad ng dalawang beses na taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa anunsyo ng ilang kompanya ng langis, epektibo ngayong araw, June 24, ang unang pagtataas sa ₱1.75 kada litro ng gasolina, ₱2.40 kada litro ang kerosene habang ₱2.60 naman sa kada litro ng diesel.
Ipatutupad naman ang ikalawang serye ng taas-singil sa kaparehong presyo sa Huwebes, June 26.
Matatandaang kahapon ay nagkasundo ang Department of Energy at ilang kompanya ng langis na utay-utayin ang pagpapatupad nito ngayong linggo.
Ito ay para tiyaking hindi mabigat sa mga apektadong sektor ang pagtataas sa presyo ng petrolyo.
#D8TVNews #D8TV