Dalawang menor de edad, nasagip sa isang rescue operation sa Tondo, Manila

Nasagip ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center – Anti-trafficking in Persons Division (WCPC–ATIPD) ang dalawang menor de edad sa Tondo, Manila.

Ayon sa PNP–WCPC, nakatanggap sila umano ng report mula sa public school sa Tondo kung saan nasasangkot umano ang ilang sa kanilang mga estudyante sa sexual trafficking at sexual exploitation.

Ayon sa ulat ng PNP–-WCPC, ang 14-year-old na biktima ay nagpo-post ng larawan online para makakuha ng customer at siya ay binabayaran umano ng P5000 hanggang P5500 kada transaksyon. Naglayas din umano ang bata at apat na araw nang hindi umuuwi.

Sa follow up operation naman, nasagip ang 15-year-old na babae na siyang nagturo umano sa naunang biktima sa ganitong gawain. Dagdag pa ng PNP, posibleng managot ang mga motel o hotel na pinapayagan ang mga menor de edad na pumasok sa kanilang establisyemento.

Dagdag pa ng PNP–WCPC, pananagutin din nila ang mga magulang ng mga biktima. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *