Dalawang Chinese nationals, nagtangkang tumakas ng bansa; huli ng BI

Dalawang Chinese nationals ang bigong makalabas ng bansa matapos silang maharang ng Bureau of Immigration (BI) nitong June 20 ayon sa BI.

Ayon sa isang press release na inilabas ng ahensya, nagtangkang lumabas ng bansa ang dalawa gamit ang mga pekeng emigration exit clearances sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong Hong Kong.

Napag-alaman din na ang dalawa, Yu Ziming, 32, at Wu Liping, 30, ay may datos na nagpapakitang sila ay nagtrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) companies, na ayon sa Pangulo, ay mahigpit nang ipinagbabawal.

Dinala na ang dalawa sa BI Legal Division at kasalukuyang nasa Bureau’s Warden Facility habang naghihintay ng deportation.

Dagdag pa rito, nagbabala rin si BI Commissioner Joel Anthony Viado laban sa mga nagtatangkang lumabas ng bansa gamit ang mga pekeng dokumento.

“Let this be a warning to those attempting to circumvent immigration laws through fake documents. We will continue weeding out fraud and upholding the integrity of our borders,” ani Viado. | via Florence Alfonso | Photo via Bureau of Immigration

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *