Dalawang babae, Arestado sa P3.4M shabu buy-bust sa QC


Dalawang babae, kabilang ang isang menor-de-edad, ang nasakote sa isang buy-bust operation sa Edsa Balintawak, Quezon City noong Marso 6, 2025. Ayon sa PDEA at QCPD, kabilang sa mga naaresto si alias Lei, 34, at isang menor-de-edad mula Barangay Balonbato.
Nasamsam sa kanila ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *